09/01/2016 Bulletin Board
Dahil ang Pilipinas ay likas na dinadaanan ng mga bagyo sa buong taon, dapat ay malamang ng lahat ang kahalagahan ng pag-iwas at prebensyon sa mga sakit at kondisyon na nauuso sa mga panahon na ito.
Sa panahong ito, nagaganap ang pagbaha, kontaminasyon ng mga pagkain at inumin, kakulangan ng mga pangkain, at hawaan ng mga sakit sa mga evacuation centers na posibleng umabot sa epidemya.
Ang mga paalalang ito ng Medical Services Department ay upang makaiwas tayo sa mga sakit na pwede nating makuha ngayonng panahon ng tag ulan. Narito ang ilan sa mga mga ito:
Ang mga karaniwang sakit na dulot ng impeksyon ng virus ay nauuso rin sa panahon ng pagbagyo at pag-ulan. Kadalasang kumakalat ito sa mga evacuation centers na puno ng mga tao lumikas mula sa pananalasa ng bagyo.
Ang pagsasama-sama ng mga tao ay nakapagpapataas ng posibilidad ng hawaan ng mga ganitong sakit.
Paano ito maiiwasan: Ugaliin ang paghuhugas ng kamay at palakasin ang resistensya ng katawan. Kumain ng masusustansyang pagkain o kaya ay uminom ng bitamina.
Gaya ng cholera, ang sakit na Typhoid ay nakukuha rin sa mga kontaminadong inumin at pagkain. Sa pagkakaroon ng sakit na ito, nararanasan din ang tuloy-tuloy na pagtatae na may kasama pang mataas na lagnat.
Dapat ding agad na madala sa pagamutan ang taong nakakaranas ng sakit na ito sapagkat maaari din itong makamatay kung isasawalang bahala.
Paano ito maiiwasan: Tiyaking malinis ang iniinom na tubig. Salain at pakuluan ang inuming tubig ng hindi bababa sa isang minuto upang mamatay ang mga mikrobyo. Maghugas din parati ng mga kamay.
Hindi rin maiiwasan na mauso ang sakit na pagtatae. Dahil sa kakulangan ng suplay ng mga pagkain, maaaring makontamina ang natitira pang pagkain na hindi naman maiwasang hindi kainin.
Mahalagang maagapan ang sakit na ito upang maiwasan ang dehydration ng katawan na maaaring makamatay.
Paano ito maiiwasan: Umiwas sa mga pagkain na may posibilidad ng kontaminasyon. Lutuin din ng husto ang mga pagkain, at initin ang mga tirang pagkain. Salain at pakuluan ng hindi bababa sa isang minuto ang inuming tubig.
Ang isa sa mga pinakausong sakit na nararansan sa panahon ng tag-ulan at bagyo ay ang sakit na Leptospirosis.
Ito ay ang sakit na nakukuha mula sa ihi ng daga na humahalo sa tubig baha. Maaari magkasakit nito kung ang kontaminadong tubig-baha ay makapasok sa sugat.
Paano ito maiiwasan: Hanggat maaari, huwag lumusong sa baha lalo na kung may sugat. Kung hindi naman maiwasan, siguraduhing may proteksyon sa paa gaya ng bota.
Source: Department of Health, Para sa Pamilya, Para sa Bayan, Kalusugan.PH
Please click/tap the appropriate link to help you in your navigation of our services
Applicant Student Faculty Member or Employee Researcher or Extensionist Alumni Campus Life Institutional Accreditation Back to Homepage