11/28/2015 Bulletin Board
Narito ang ilan sa mga sakit na dapat bantayan sa panahon ng selebrasyon ng Pasko:
Impatso - Dahan-dahan lamang sa pagkain at bigyan ang tiyan ng pahinga. Lagyan ng agwat na 3 oras ang bawat kainan. Nguyain ding mabuti ang kinakain, at kung busog na, ’wag nang pilitin pang kumain.
Heartburn - Dahan-dahan lamang sa pagkain at bigyan ang tiyan ng pahinga. Lagyan ng agwat na 3 oras ang bawat kainan. Nguyain ding mabuti ang kinakain, at kung busog na, ’wag nang pilitin pang kumain. Mas mataas ang posibilidad na maranasan ang heartburn kung sinasabayan ng alak ang pagkain, kaya’t makabubuti na umiwas din sa alak.
Altapresyon - Ang pagkakaroon ng altapresyon ay sinasabing konektado sa pagkain ng matataba, mamantika at maaalat na pagkain, kung kaya makabubuti na iwasan ang mga ito. Iwasan na ang lechon, kaldereta, kare-kare at iba pang matatabang pagkain. Iwasan din ang alak. Tiyakin din ang regular na pag-eehersisyo.
Atake sa Puso - Makabubuting umiwas na sa mga pagkain na ipinagbabawal kung nasa kasaysayan ng pamilya ang atake sa puso. Ang mga mamantika at matatabang pagkain na madalas nating nakikita sa mga handaan ang kadalasang nagiging mitsa ng atake sa puso.
Diabetes - Umiwas sa mga pagkain na may mataas na lebel ng asukal.
Sakit sa Atay - Hinay-hinay lamang sa pag-inom. Limitahan ito at kung maaari, huwag gawing araw-araw.
Source: Article from Kalusugan.PH (DOH) - Para sa pamilya, para sa bayan
Please click/tap the appropriate link to help you in your navigation of our services
Applicant Student Faculty Member or Employee Researcher or Extensionist Alumni Campus Life Institutional Accreditation Back to Homepage