02/19/2019 University Event
May 20 to 24, 2019 Baler, Aurora
Inihahandog ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, sa pangunguna ng University Printing Press, Institute for Culture and Language Studies, at Center for Language and Literary Studies, katuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang Ikalawang Pambansang Palihang Multi-Genre ng PUP 2019 na gaganapin sa Baler, Aurora sa Mayo 20 – 24, 2019.
Pangunahing layunin ng palihan ang maghasa ng mga umuusbong na manunulat at kritiko mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa na may pagsipat sa sensibilidad ng masa at umuugat ang pag-akda sa naratibo ng mga maralitang lungsod, lalo na sa danas ng mga komunidad sa kanayunan, at maging ng iba pang sektor ng lipunan tulad ng kababaihan at LGBTQ. Nakaangkla ang palihan sa pagpapatalas ng panulat na may kritikal na lente sa panahong hinahamon ang bayan ng ekonomiko, pulitikal at kultural na krisis na direktang nararanasan ng sambayanan. Sa ganitong kontexto esensyal ang ginagampanan ng panitikan at malikhaing pagsulat sa pagsusulong ng mga adbokasiya sa pambansang antas.
Upang higit pang mapalawig ang saklaw ng pagiging “multi-genre” ng palihan, bukod sa nakaraang mga genre na tampok tulad ng nobela, maikling kwento, kuwentong pambata, tula, creative non-fiction, dula, graphic novel, at dagli, para sa taong ito ay isinama na ang kritisismong pampanitikan.
Ang mga fellow para sa palihan ngayong taon ay ang mga sumusunod:
Ang mga fellow ay sasanayin sa loob ng limang araw ng mga kinikilalang manunulat at iskolar sa panitikan at malikhaing pagsulat ng ating panahon. Ang mga panel ng palihan ay binubuo nina Jun Cruz Reyes, Jerry Gracio, U Eliserio, Conchitina Cruz, Arbeen Acuna, Mervin Malonzo, Luis Gatmaitan, Christine Bellen, Jess Santiago, Eros Atalia, at MJ Rafal.
Ang mga akdang magiging produkto ng palihan ay ilalathala ng University Printing Press ng PUP sa isang espesyal na antolohiya.
Please click/tap the appropriate link to help you in your navigation of our services
Applicant Student Faculty Member or Employee Researcher or Extensionist Alumni Campus Life Institutional Accreditation View Homepage