Elaine Carie A. Andres, Press Release, Communication Management Office
Pebrero 8, 2026 — Matagumpay na isinagawa ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang ikalawang batch ng College Entrance Test (PUPCET) para sa Sta. Mesa Campus nitong Pebrero 8, 2026, bilang pagbibigay ng panibagong pagkakataon sa mga aplikanteng nais maging Iskolar ng Bayan para sa darating na Academic Year 2026–2027.
May karagdagang 21,840 examinees para sa ikalawang batch at inaasahang aakyat pa ang bilang sa ikatlo at ikaapat na batch. Nagkaroon ng 20,840 examinees ang unang batch na ginanap noong Enero 22, 2026.
Naging maayos, ligtas, at matagumpay bagamat may pag-ulan, ang pagsasagawa ng ikalawang batch sa tulong ng pinag-isang koordinasyon ng campus security, health personnel, test administrators, student volunteers, at mga katuwang na tanggapan.
Binigyang-diin ni PUP President Manuel M. Muhi na ang pagpapalawak ng oportunidad sa pagsusulit ay kaakibat ng misyon ng Unibersidad: “Ang pagbibigay ng ikalawang pagkakataon sa mga aplikante ay bahagi ng misyon ng PUP bilang pampublikong pamantasan—isang edukasyong bukas, makatao, at tunay na nagsisilbi sa bayan.”
Inaasahang ilalabas ang opisyal na resulta ng PUPCET 2026 sa Hunyo 2026 sa pamamagitan ng mga official social media platforms ng PUP.
Para sa iba pang balita, magtungo sa www.pup.edu.ph o @ThePUPOfficial sa Facebook.
Please click/tap the appropriate link to help you in your navigation of our services
Applicant Student Faculty Member or Employee Researcher or Extensionist Alumni Campus Life Sustainable Development Goals Back to Homepage