03/19/2018 Other...
Mayo 16 at 17, 2018, 8:00 n.u. – 5:00 n.h Nemesio Prudente Hall, 4th flr South Wing Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Maynila
Bukas ito sa mga nagtuturo ng senior high at kolehiyo mula sa iba’t ibang sangay, kampus, at kolehiyo ng PUP.
Hindi ito limitado lamang sa mga nagtuturo ng wika (English o Filipino). Hinihikayat ang mga guro o propesor mula sa ibang disiplina na pasukin ang larang ng pagsasalin.
Limitado lamang sa limampung (50) slot o bilang ng kalahok ang tatanggapin sa pagsasanay na ito.
Pagkakalooban ng sertipiko ang mga kalahok na makukumpleto ang dalawang araw na pagsasanay, kasama ang meryenda at tanghalian.
Ang makakatapos sa mga serye ng pagsasanay ay magiging bahagi ng pangkat ng mga eksperto sa pagsasalin na magiging katuwang ngSentro sa Araling Pangwika at Pampanitikan sa mga gawaing pananaliksik, ekstensiyon at publikasyon.
Para sa unang bahagi ng serye, nakatuon ito sa mga sumusunod na paksa: kalagayan ng larang ng pagsasalin sa Pilipinas, pagsasalin at pagtuturo, mga prinsipyo sa pagsasalin, at pampanitikang pagsasalin.
Sa araw ng pagsasanay, kailangang magdala ng isang akdang isasalin (tula/dagli/maikling kuwento/ sanaysay) na maaaring nakasulat sa English o Filipino o iba pang wika sa Pilipinas.
Sa mga interesadong lumahok sa kauna-unahang pambuong unibersidad na pagsasanay sa pagsasalin, ipadala sa cllspup@gmail.com ang inyong buong pangalan, Departamento/Kolehiyo/Sangay/Kampus na kinabibilangan, at contact no. Para sa mga katanungan, tumawag lamang sa 3351787 loc 177 o magtungo sa South Wing 413, PUP Sta. Mesa, Maynila.
Please click/tap the appropriate link to help you in your navigation of our services
Applicant Student Faculty Member or Employee Researcher or Extensionist Alumni Campus Life Institutional Accreditation View Homepage