06/01/2013 University Event
Iniimbitahan ng Institute of Cultural Studies ang mga estudyante, guro at kawani na lumahok sa 2nd batch ng Creative Writing Workshop sa PUP. Ang workshop na ito’y libre at inilunsad para palakasin at paunlarin ang kasanayan ng mga estudyante, guro at kawani sa paglikha ng mga maiikling kwento, tula, dagli at nobela na maaaring maisali sa produksiyon at publikasyon ng mga antolohiya, literary journal at libro. Kasalukuyang idini-develop ng Center for Creative Writing PUP ang Urban Poor Literature sa Pilipinas at ito ang isa sa mga paksang binibigyan ng diin sa workshop.
Syempre, kasama sa workshop ang pagtuturo sa mga batayang paraan ng pagsusulat ng tula, dagli, sanaysay, maikling kwento at nobela. Gagawin ang workshop isang beses sa isang lingo mula 1:00 hanggang 5:00 ng hapon. Magsisimula na ito sa June hanggang October 2013.
Paano Sasali?
Libre ang workshop (kasama ang mga materyales na gagamitin gaya ng manual, note pad at konting meryenda). Bukas din ito para sa mga guro, kawani at mag-aaral ng ibang institusyon, unibersidad at pamantasan. Para makasali, magpasa ng isang piyesang naisulat na o kasalukuyan nang isinusulat na may pagtingin din sana sa mahahalagang isyu ng lipunan at kasaysayan.
Ipasa lang ang mga gawa sa ccwpup@yahoo.com. Pakisama na rin ang contact number at konting bio-note tungkol sa may-akda. Sa June 15, 2013, Saturday, ang deadline ng pasahan ng mga gawa. Tatawagan at kokontakin namin sa pamamagitan ng email ang mga mapipiling maisama sa nasabing workshop.
Please click/tap the appropriate link to help you in your navigation of our services
Applicant Student Faculty Member or Employee Researcher or Extensionist Alumni Campus Life Institutional Accreditation View Homepage