, News Bits, Volume 1, Issue 4, September 2012
“Mabuti pa ang PUP nadadamayan kami, salamat sa inyong pagdamay.”
Iyan ang sambit ni Nanay Lani Advincula, Presidente ng Samahan ng Kababaihang Nagkakaisa sa Guinayang, San Mateo, Rizal. Sa halos 300 pamilya nakapagbigay ng kaunting pagkain ang Community Relations Office (salamat sa suporta ng ating pangulo na si Dr. Emanuel De Guzman) sa mga mahihirap na naapektuhan at nasalanta ng Habagat. Ang mga relief goods ay nanggaling din sa mga donasyon ng istudyante, guro at kawaning PUP at mga pribadong organisasyon.
Ano nga ba ang kahalagahan ng pakikiramay? Ng pagmamalasakit sa kapwa? Ng pagtulong sa mga mahihirap at mahihina? Para sa akin ito ang kabuuan ng pagiging tao, ang pagdamay, pagmamalasakit at pagpapakita na sa mundong ito hindi dapat maramdaman ng tao na sila ay nag-iisa. Bilang State University alam natin na ang kakarampot na budget ay hindi nagkakasya upang tugunan ang pangangailangan ng ating mga Iskolar ng Bayan, sila yung mga anak ng mga simpleng tao, simpleng manggagawa, magsasaka at empleyado. Pero higit sa hirap na tinamasa baba ng budget para matugunan ang pagpapaunlad ng ating pasilidad, higit pa sa mga problemang kinakaharap natin sa araw-araw hindi naging balakid ito upang buhayin natin ang katangian ng “PUP DAMAYAN”, hindi lamang sa loob ng ating unibersidad (na may plano rin na makapagbigay ng kaunting tulong sa mga nasalanta, kasalukuyang nililikom ang listahan ng mga pangalan ng mga nasalanta) kundi sa labas din.
Isa lang ang natutunan ko, hindi kinakailangan na maging mayaman o magkaroon ng maraming pera para tumulong sa kapwa, kundi ito ay kapasyahan na ibahagi ang kakaunting meron ka (konting pera, kaunting talento, kaunting panahon) para sa ikagagaan ng kondisyo ng nararanasan ng iba.
(Bukod sa Guinayang San Mateo, Rizal nakapagbigay din tayo ng tulong sa Olandes, Marikina ng 500 school supplies na nanggaling sa ating PUP Alumni, nagbigay din tayo ng mahigitsa 400 na relief goods at 600 na batang pinakain sa Manuggal, Kitanlad, Tatalon, Quezon City, kasama natin ang Alay sa Bayan Foundation at NSTP).
Patuloy po ang pangangalap ng relief goods ng opisinang Community Relations Office, maaari po nating sadyain ang kanilang opisina sa Rm 310 South Wing, PUP Sta. Mesa.
Please click/tap the appropriate link to help you in your navigation of our services
Applicant Student Faculty Member or Employee Researcher or Extensionist Alumni Campus Life Institutional Accreditation Back to Homepage