, Press Release, Communication Management Office
Buong kagalakang ibinabahagi ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang pagbubukas ng dalawang bagong kampus sa Leyte at Talisay, isang malaking hakbang sa pagpapalawak ng de-kalidad na pampublikong edukasyon sa bansa.
Ang nasabing mga kampus ay opisyal na nagsimula ng kanilang mga operasyon noong ikalawang semestre ng AY 2024-2025, sa pangunguna ni Direktor Dan E. Dalac ng PUP Leyte at Direktor Armando A. Torres ng PUP Talisay. Ang layunin ng mga kampus na ito ay magpatuloy na makapagbigay ng abot-kaya at mataas na kalidad ng pag-aaral para sa mga mag-aaral sa kanilang mga rehiyon.
Ang mga bagong kampus ay may mga programang pang-akademiko na nakatuon sa pangangailangan ng industriya at ng komunidad. Kabilang sa mga inisyal na programang maaaring makuha ay:
PUP Leyte Campus (Barangay Calasigue, Leyte)
PUP Talisay Campus (Poblacion 5, Talisay, Batangas)
Ang pagtatatag ng dalawang kampus ay sumasalamin sa misyon ng institusyon na makapagbigay ng mataas na edukasyon sa pamamagitan ng kahusayan sa akademya, inobasyon, at magagamit para matugunan ang mga kakulangan at pangangailan ng rehiyon.
Gayundin, inaasahang mapalakas ang kahusayan ng mga mag-aaral para makapag-ambag sa kani-kanilang mga larangan at komunidad.
Sama-sama nating ipagdiwang ang bagong kabanata ng PUP at iipagpatuloy ang paghubog sa hinaharap ng edukasyon.
Para sa mga katanungan mula sa media, maaaring makipag-ugnayan kay: Elaine Carie A. Andres Media Relations Officer Polytechnic University of the Philippine ecaandres@pup.edu.ph 0966 8130241
Please click/tap the appropriate link to help you in your navigation of our services
Applicant Student Faculty Member or Employee Researcher or Extensionist Alumni Campus Life Institutional Accreditation Back to Homepage