, Press Release, Communication Management Office
Isinagawa ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang huling batch ng Polytechnic University of the Philippines College Entrance Test (PUPCET) para sa Academic Year 2025-2026 nitong Linggo, Abril 6, 2025 sa Sta. Mesa Campus.
Ang kabuuang bilang ng mga aplikante ay umabot sa 181,598 na siya namang hinati sa iba’t ibang araw ng pagsusulit simula Enero hanggang ngayong Abril. Ang nasabing huling petsa ng pagsusulit ay nagmamarka ng pagtatapos ng malawakang proseso ng pagtanggap ng institusyon para sa mga nagnanais maging estudyante para sa unang taon sa kolehiyo. Bukas pa ang ilang kampus ng PUP para sa entrance exam.
Patuloy na ipinapakita na ang reputasyon ng unibersidad bilang pangunahing pagpipilian para sa mga estudyanteng Pilipino na naghahanap ng dekalidad na abot-kayang may mataas na edukasyon. Sa pagsasama-sama ng mga opisyal ng unibersidad, mga kasaping institusyon, at mga local na pamahalaan, ipagpapatuloy ang kanilang suporta upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan na pamamahala para sa huling araw ng pagsusulit na ito. Mula sa kanilang pagtutulungan, nabigyang halaga ang pagpa-paabot sa mga estudyante mula sa kani-kanilang komunidad para matiyak ang inklusibong akses sa pampublikong edukasyon.
“Kami ay nagpapasalamat sa labis na interes na ipinakita ng mga estudyante mula sa iba’t ibang panig ng bansa na maging bahagi ng komunidad ng PUP. Ang PUPCET ay nananatiling isang mahalagang hakbang upang matiyak na makapagpasok tayo ng mga hinaharap na Iskolar ng Bayan na handang gumawa ng pagbabago,” sabi ni Dr. Manuel M. Muhi, Pangulo ng Unibersidad.
Ang PUP ay patuloy na isusulong ang inklusibo at progresibong edukasyon upang pagbuksan ng pintuan ang mga karapat-dapat na estudyanteng Pilipino mula sa lahat ng antas ng buhay. Ang opisyal na resulta ng PUPCET 2025 ay inaasahang ilalabas sa Hunyo sa pamamagitan ng iApply account, opisyal na website ng unibersidad, at sa mga social media platform ng unibersidad.
Para sa mga update at katanungan, bisitahin ang www.pup.edu.ph o i-follow ang @ThePUPOfficial sa Facebook. Para sa mga katanungan mula sa media, maaaring makipag-ugnayan kay: Angelo G. Acedera Media Relations Officer Polytechnic University of the Philippine agacedera@pup.edu.ph 0945 4855227
Please click/tap the appropriate link to help you in your navigation of our services
Applicant Student Faculty Member or Employee Researcher or Extensionist Alumni Campus Life Institutional Accreditation Back to Homepage