Pangunahing layunin ng aklat ang makapag-ambag sa pagpapalawak at pagpapalalim ng mga
pamantayang ginagamit sa kasalukuyan sa pagsusuri ng mga likhang sining na Pilipino. Nakatuon
ang aklat sa paglalatag ng pamantayan at aplikasyon sa pagsusuri ng iba’t ibang anyo ng sining tulad
ng panitikan, dula, sining biswal, musika, sayaw, arkitektura, pelikula, at likhang brodkast. Ang
mandudula at kritikong si Nicanor G. Tiongson ang nagsilbing editor ng aklat.
Itinatampok sa aklat ang mga sanaysay na naglalatag ng pamantayan sa pagsusuri mula sa mga
kinikilalang iskolar sa bansa na sina Cecilia De La Paz, Elizabeth Enriquez, Rene Javellana, Rosalie
Matilac, Jerry Respeto, Arwin Tan, Nicanor Tiongson, at Galileo Zafra.
Ang paglalapat ng mga pagsusuri sa mga anyo ng sining ay matutunghayan naman sa mga sanaysay
ng mga guro mula sa iba’t ibang departamento ng PUP na sina Elaine Carie Almirante-Andres,
Giselle Cabrera, Jose Clutario, Leonardo Dela Cruz, Marvin Lobos, Jalaine Joyce Malabanan, Alvin
Ortiz, Marianne Ortiz, Jerome Permejo, Leomar Requejo, at Federico Rivera Jr