Bachelor of Arts in Filipinology
Center of Development (Commission on Higher Education)First in the Philippines to be Level 3 Accredited (Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines)
Apat-na-taong programang pang-akademiko ang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya (ABF). Sinasaklaw ng programa ang wika, komunikasyon, panitikan at kultura o pambansang kabihasnan sa pangkalahatan. Pinapanday nito ang mga potensyal at talino ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga karunungang makakamit sa FIlipinologhiya. Nakatuon sa pagiging malikhain (creativity) at sikhayan (scholarly works) ang lalim at lawak sa pagpapakadalubhasa sa Filipinolohiya na napakahalaga sa propesyon.
Binibigyang-diin ng pinaunlad na programa ang kasalukuyang tunguhin ng Elektronikong Edukasyon (e-Education) o Cyber Culture sa daigdig na kaugnay ng kagalingang pambayan at kapakanang pambansa, gayundin ang makaagham na pag-aaral ng wika, komunikasyon, panitikan, kultura o pambansang kabihasnan.
Inaasahan ang mga mag-aaral ay:
Ang mga mag-aaral na kukuha ng AB Filipinolohiya ay kailangang nagtataglay ng mga sumusunod na pangangailan:
Ang mga mag-aaral sa kursong AB Filipinolohiya ay makapanatili sa programa kung natutugunan at naipapasa ang pinakamaliit na antas na 90% ng kabuuang yunit na inenrol sa loob ng isang particular na semestre.
Ang mga mag-aaral sa kursong AB Filipinolohiya ay kailangang makatapos at pumasa sa 182 yunit. Binubuo ito ng 90 na yunit sa meyjor, 66 na yunit sa pangkalahatang edukasyon, 12 ng yunit sa elektib, 8 ng yunit sa PE at 6 na yunit sa NSTP.
Please click/tap the appropriate link to help you in your navigation of our services
Applicant Student Faculty Member or Employee Researcher or Extensionist Alumni Campus Life Institutional Accreditation Back to Homepage